You are here :  
Today is : Friday, 29 August 2014
PNOY, Kompyansang Malulutas ang Pagpatay sa DZME Anchor; Reward Umakyat na sa 150K
News - Major News
Friday, 25 March 2011 08:12

Kumpiyansa si Pangulong Noynoy Aquino na mareresolba ng PNP ang kaso ng pagpaslang kay DZME anchor Marlina “Len” Flores-Sumera.

Sinabi ng pangulo na ini-report na sa kanya ng National Capital Region Police Office na tukoy na nila ang posibleng nasa likod ng pagpatay sa broadcaster.
Dahil dito, positibo si Ginoong Aquino na mananagot ang mga responsable sa krimen at makakamtan ng pamilya ni Flores-Sumera ang katarungan.

Papasok na sa himpilan ng DZME, sa Caloocan City ang co-anchor ng Arangkada Kinse Trenta nang barilin, sa Barangay Maysilo, sa Malabon City, pasado alas-9 ng umaga, kahapon.

Samantala, umabot na sa Php 150,000 ang reward para sa impormasyong makatutulong sa paglutas ng kaso makaraang magdagdag ng 100k si Malabon City Mayor Canuto “Tito” Oreta.

Una nang nagkaloob ng 50,000 peso-reward ang National Press Club of the Philippines at Alyansa ng Filipinong Mamamahayag.

 

DZME Live Video Streaming

Live broadcasting by Ustream

typhoon 2000